Alessia's Point of View Nang makarating ako sa bahay ay wala si kuya. Expected ko naman na hindi ko siya madadatnan dahil hindi pa naman weekends. Isa pa ay wala ang mayor, ayon kinulong daw dahil sa pagnanakaw nilang ginawa. Kasama pa raw si governor nang kunin siya. Ang bilis ng balita hindi ba? Pero ang sabi sa opisina kahapon bago kami nagsiuwi ay may nangyari daw na korapsyon sa pagbebenta ng bundok sa bilyonaryong si Romanov. Siguro binawasan o kaya dinagdagan tapos alam niyo na saan napunta. Hindi naman na bago gan'yang mga balita pero nakatutuwa lang na agad silang pinahuli. Ang sabi presidente raw ang nag-utos. Bilyones ba naman ang na-kickback. Malaking pakinabang na sa bansa iyon ano tapos binulsa lang ng mga mauutak na iyon. Ayan tuloy, na-karma. Nalibang ako sa dalawan