“Anong plano mo? Birthday na ni Francis.” Ibinagsak ko ang katawan ko sa upuan at umiling. Tinawanan naman ako ni Zachary at sinabing o-order na nga lang daw muna siya. Katatapos lang ng halos magdamag na caesarean session ko sa isa sa mga mommies ko at feeling ko anytime soon babagsak na lang ako. August na nga at konti na lang ay birthday na ng gagong si Cis. Kahit kailan hindi naman ako nagregalo sa kanya o kaya naman naghanda ng surprise para sa kanya. Kahit nga noong bata kami hindi ko ginawa ‘yun, ngayon pa kaya na matanda na kami? That’s what I’m thinking but there’s a part of me that knows I’ll have to do something in his birthday for a change. Kahit paano ay nawala ang pagod ko nang isipin ko ang mukha ng hinayupak na nilalang na ‘yun. He’s out of the country doing some work a