"Ano namang itsura 'yan?" "Magandang itsura." Nginisihan niya ako kaya naman inirapan ko na lang siya. He definitely knows I'm f*****g tired kasi dalawang mommies ang pinaanak ko ngayon ng halos magkasunod lang. Grabe. Ang daming nanganganak ngayon! Buti na lang gwapo 'tong si Zachary e. Pantagal din siya ng stress. Naupo na siya sa tapat kong upuan. Napansin ko agad ang tumbler na dala niya. Napansin naman niya na nakatingin ako doon kaya inilapag niya iyon sa harap ko. He chuckles. "Mas mahal ka na ng asawa ko sa'kin. She never fails to make you tea." Biglang bumaliktad ang sikmura ko. Amoy operating room pa ako at kahit na gaano ko kamahal ang tsaa, hindi talaga sila pwedeng maghalo ng amoy ko ngayon. Tinakpan ko ang ilong ko. "Maliligo muna ako. Ambaho ko pa ngayon." Nginisihan