RAN ADRIENNE ROSS __ Nagising ako sa iba't-ibang tinig sa labas. Narinig ko rin ang mga yabag na tila kanina pa pabalik-balik. Patuloy rin ang bulungan na alam kong hindi normal sa mansion. Pinilit kong dahan-dahang imulat ang mga mata ko. Madilim sa silid dahil nakasara pa ang makapal na kurtina. Unti-unti akong bumangon at kinapa ng paa ko ang tsinelas sa gilid ng kama. Mas naging malinaw ang mga tinig pero hindi pa rin iyon ma-absorb ng utak ko. Naghugas ako ng mukha at ng nagsipilyo. Dahan-dahan pa rin ang pagkilos ko dahil parang may martilyong pumupukpok sa ulo ko. I just changed my clothes dahil amoy alak pa rin ako. Nakita ko agad si Port sa labas ng silid. Nakasandal ito sa pader at walang emosyong nakatingin sa akin. "What's happening? Bakit ang ingay ng mga tao?" "See it y