RAN ADRIENNE ROSS __ Nilagay ko ang natitirang damit ko sa luggage. I made sure na maayos na nakatiklop ang mga iyon doon para hindi ko na kailangang ayusin ulit kapag tinanggal. Tinutupi ko pa lang ang ilan sa ibabaw ng kama nang marinig kong bumukas ang pinto. I saw Tyler came in. Sandali ko lang itong pinagmasdan. Tinuloy ko rin ang ginagawa ko habang nakikita ko sa gilid ng mata ko ang paghakbang niya papunta sa closet niya. Kabubukas niya lang roon nang magsalita ako. "Inaayos ko na ang closet mo para hindi ka na mahirapang pumili ng susuotin until the end of the month... pati pantulog mo, your socks... and your boxers." Hindi ito sumagot. Sinadya kong bagalan ang pagliligpit ng mga gamit ko habang nasa bathroom siya. Nagdikit ako ng note sa pader. Dinala ko sa isang kahon an