TYXON ZAC DEVERAUX __ Hinawi ko ang kamay na humawak sa akin. Mag-isa akong umakyat ng hagdan kahit nanlalabo pa rin ang paningin ko. Huminto ako nang makapasok ako sa silid. Nakita ko itong nakaupo sa couch habang nagko-crochet. She didn't bother to give me her attention. I knew what I did. I tried to escape from it for a while but I knew I had to face it. Dumiretso ako sa bathroom. Hinugasan ko ang dugo sa mukha at kamay ko bago ako lumapit sa kaniya sa couch. Tiningnan ko ang bote ng wine sa mesa na halos wala ng laman at ang maraming itim na bulaklak na na-crochet niya roon. Sinadya kong maupo sa paanan niya at marahan kong kinuha ang kamay niya. She stopped. She finally gave me her attention, but I couldn't see anything from those eyes. Binaba ko ang tingin sa mga pasa na nas