RAN ADRIENNE ROSS __ Narinig ko ang tinig ni Yaya Lorna sa kusina. Pagpasok ko sa loob, nakita ko itong nakaupo sa harap ng tablet. Ngumiti ito sa akin. "Gising na pala, eh. Yerra, si Tyler." Tumayo ito sa silya at hinintay akong maupo sa puwesto niya kanina. Nakondisyon ko na ang sarili kong hindi na siya isipin paglabas ng silid kanina. I could say no to Yaya pero hindi ko alam kung bakit naupo pa ako roon. Nakita ko agad ang ngiti sa mga labi nito at nakaramdam agad ako ng kislot sa dibdib ko. "Good morning, babe... how are you? You look so gorgeous. I missed you." Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang siya nang walang kahit anong emosyon. "Sabi ni Yaya Lorna nalasing ka kagabi. Hindi pa kita nakikitang nalasing," nakangiting sambit nito. "Maybe you really had fun. I told her to