RAN ADRIENNE ROSS __ Nakatingin sa akin ang mga kasambahay nang makarating ako ng bahay na para bang kanina pa naghihintay. Yaya Lorna was also still awake, but obviously, she avoided looking at me. Akmang magsasalita si Bridget pero inangat ko ang kamay ko para pigilan siyang magsabi ng kahit na ano habang patuloy sa paghakbang papunta sa hagdan. There was something heavy on my chest. Hindi nawala simula nang lumabas ako ng club. Nagsimula ring maging mabigat ang mga hakbang ko habang papunta sa opisina nito. Habang papalapit lalo ring nagiging mahigpit ang lalamunan ko. Huminto ako sandali and composed myself. That feeling in my chest was a stranger to me. Kinailangan kong itulak ang sarili ko para ihakbang pa ang mga paa ko. I expected to see them, but I saw no one in his office