LAUREN __ Pabagsak kong binaba ang tray ng almusal na ginawa ko. "Ba't hindi maipinta 'yang mukha mo? Dahan-dahan sa pagbagsak ng mga kasangkapan. Mahal ang mga iyan," Nanay reminded me. "Edi bumili ng bago," I answered sarcastically at humila ako ng silya para maupo roon. "Anong problema?" "Hindi raw siya gutom." "Oh, 'yun lang naiinis ka riyan? Kung hindi nga nagugutom, anong magagawa mo?" "'Nay, he said na hindi siya gutom with attitude. Sinupladuhan na naman ako." "Baka hindi maganda ang gising. Hayaan mo na." "Gumising siya sa gandang 'to. Ilang oras pa lang kaming hindi nag-uusap. Magkasama ho kami buong magdamag." "Kaya pala hindi na naman kita naramdaman kagabi. Akala ko nga ay sa sasakyan ka naman niya natulog. Para ka kasing linta. Dikit ka nang dikit. Hayaan mo na mun