Isa-isang inilagay ni Janel ang ilang mahahalagang gamit niya sa loob ng kanyang bag. Hindi niya intensiyon na dahil lahat, yaong mga importante lamang at kakailanganin niya. Iilan lang din kasi ang bitbit niya nang araw na lumipat siya sa apartment na tinutuluyan niya sa may Makati City. May pagmamadali sa bawat galaw niya. Nakapag-usap na sila ni Mr. Olvidares kanina. Janel can't help but to feel guilty about everything. Hindi niya mapigilang mapaiyak sa harap ng lalaki na siyang ama ng binatang iniibig niya. Simula't sapul naman talaga ay totoong kinakain na siya ng kanyang konsensiya dahil sa lahat ng ginagawa ng kanyang tiyahin. After talking to Mr. Olvidares, Janel knew that he believed her. Nakita niya iyon sa mukha nito. Kung hindi ito naniniwala na malinis ang konsensiya niya at