Mabilis na bumaba mula sa taxi si Janel matapos makapagbayad sa driver nito. Agad na siyang lumapit sa may gate ng kanyang apartment at tuloy-tuloy na pumasok sa loob. Mula nga sa Antipolo ay doon na siya dumiretso. Halos wala pa siya sa kanyang sarili habang lakad-takbo na nilisan ang bahay ng kanyang tiyahin. Nang udyukan siya ni Mr. Olvidares na umalis na sa bahay na iyon ay hindi pa siya sang-ayon. Gusto niyang salungatin ang nais nito. Hindi niya magawang iwan ang lalaki sapagkat nag-aalala din siya para dito. Hindi niya maiwasang mangamba sa kung ano ang nangyari kanina. Nakalabas na siya sa maliit na gate at ilang metro na rin ang layo mula sa bahay ng kanyang tiyahin nang napalingon siyang muli sa kanyang pinanggalingan. Rinig na rinig pa rin ang palitan ng putok ng baril ng mga