AFTER NINE MONTHS: Kanina pa nakapasok si Lucas sa kanyang opisina. Marami siyang trabahong kailangan harapin nang araw na iyon ngunit isa man roon ay wala pa siyang nauumpisahan gawin. Naroon lamang siya sa loob ng kanyang opisina, nakaupo at natutulala habang malalim na napapaisip. It has been months since they brought his father to Florida. Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang makabalik sila ng Pilipinas. His father, Jake, finally recovered. Marami pa itong dinaanan na gamutan ngunit sa awa ng diyos ay tuluyan na itong gumaling. At matapos ngang gumaling ng kanyang ama ay tuluyan na nitong ipinasa sa kanya ang posisyon nito sa kanilang kompanya. Siya na nga ngayon ang may hawak sa pinakamataas na posisyon sa Olvidares Manufacturing Corporation. Ang laki ng responsibilidad na na