Sta. Catalina, five years ago "Klareng!" Itinigil ni Nhia ang ginagawa niyang pagbibilad nung mga dahon ng gabi na iluluto niya mamayang gabi para madala niya kinabukasan. Ipinangako niya kay Toby na darating siya sa kaarawan nito at wala siyang maisip na regalo kaya ipagluluto nalang niya ang boyfriend. "Yha Yhie," Nginitian niya ang kaibigan, ito si Dion at si Jeremy nalang yung naiwan niyang kaibigan sa Sta. Catalina mula ng mag aral si Toby sa Metro. Sa Metro din nag aaral si Yha Yhie pero mas madalas itong umuwi kesa sa kasintahan niya. "Ano naka isip ka na ba ng ire regalo sa boyfriend mong kumain ng asukal sa sobrang tamis?" Taas kilay na tanong nito. Nginisian niya lang ang kaibigan. "Ipagluluto ko siya ng mga paborito niyang pagkain, ginataang laing saka adobong manok." Tinur