"Mom! Dad! Happy anniversary!" Masayang bati nila Xander at Xiera sa mga magulang nila. Hindi pa nga nakakatayo ang mag asawa sa higaan at mabuti na lang natuto na sila Toby at Nhia na magbihis bago matulog sa araw ng anniversary nila dahil ang dalawang bata ang gumigising sa kanila sa araw na 'to. "Mom, Dad! Wake up na dali!" Tumalon-talon pa si Xiera sa ibabaw ng kama, "Xander, pakialis naman ang kapatid mo, nalulula ako!" Reklamo ni Toby pero bakas na bakas naman sa mukha nito ang ngiti. Twenty five years. Yes. It's been twenty five years since he married Nhia. Ang dami-dami nilang pinagdaanan na nakapag patibay ng relasyon nilang mag asawa. Wala ng pag aaway. They may have misunderstandings but, oh well nadadaan naman sa mabuting pag uusap ang lahat ng bagay. Ipinulupot ni Xander y

