Make up six! Make up six! Wahaha -------- "Hoy Liam! Maayos na lahat, kelan mo balak pikutin si Yngrid?" Tanong ni Iñigo pagkatapos nilang makikain sa yate. "Saka na, saka kahit naman hindi ko kasama si Yngrid, palagi parin naman siyang nakikita eh." Nakangiting sabi ni Liam. Tahimik na nakikinig lang sa kanila si Toby habang pinaglalaruan ang buhok ni Nhia at hinahalikan ang balikat nito. "Pagod ka na Pangga? Gusto mo na bang umuwi?" Bulong nito sa tenga niya. Naramdaman ni Toby ang paninigas ng asawa kasabay ng pagtanggo nito. "Kelan mo ba balak? Naku Papi, pag nakakita ng ibang lalaki 'yun, baka ipagpalit ka na niya." Dagdag pa ni Brad. "Gago! Paano naman magkakaroon ng lalaki sa kumbento? Manahimik ka nga Brad! Baka samain ka sakin!" Tumayo si Toby at hinila niya din patayo an

