"Papi.. We have a surprise for you," Pabaklang sinugod ni Brad ng yakap si Toby pero agad din naman itong lumayo. "Eeww, you sting Papi! Kelan ka huling naligo?!" Sinamaan niya ito ng tingin kaya agad na tumayo si Brad at nagtago sa likuran ni Iñigo. "Anong ginagawa niyo dito?!" Balewalang tanong niya saka binuksan yung isang in can na alak sa tabi niya. "Tinitignan lang namin kung buhay ka pa." Seryosong sagot ni Liam. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at napasimangot si Liam sa itsura niya. Para na kase siyang ermetanyo sa sobrang kapal ng balbas at bigote niya. Ilang araw na din siyang hindi naliligo at nagpapalit ng damit. Ang dating malinis at maayos na bahay nila ni Nhia ay napabayaan na ng husto. Nagkalat ang mga basyo ng alak, basag na gamit, left over foods at mga damit