"Toby!" Maagap na nasalo ni Yha Yhie si Toby. "Teka.. Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong nito sa kanya. "Bawal ko bang bisitahin ang kaibigan ko? Huh? Huh?!" Lasing si Toby at alam yun ng babae kaya nagawa nitong iyakap ang kamay niya sa katawan ni Toby. "Lasing ka ba?! Bat ka naglasing?!" Inakay siya ni Yha Yhie papasok ng apartment nito. "Di ako lasing, nakainom lang!" Pabagsak silang naupo sa sofa. "Wooh.. Nakita ko lang naman ang asawa kong kasama yung lalaki niya.. sa bahay ko pa mismo." Natatawang naiiling na sabi ni Toby. "Sinabi ko naman kase sayo, malandi yang Nhia na 'yan. Iwanan mo na! You don't deserve her, you deserve someone better." Pang uudyo sa kanya ng babae. Napailing lang si Toby. Iwanan si Nhia? Noooo! "Mikay mahal ko si Nhia. Mahal ko siya, at hindi nawala