Kabanata 1
Calix's PoV
ILANG BESES ako nagbuga ng hangin habang nakatingin sa paligid ng office ng aking stepbrother na si Axel. Five years na ang nakakalipas simula noong huli kaming magkita. No'ng mabalitaan ko na nakalaya na siya kaagad akong pumunta rito sa bagong bahay niya upang humingi ng tulong dahil kailangan ko ngayon ng malaking halaga pambayad sa mga utang ko.
"Matagal pa ba siya?" naiinip kong tanong sa isang body guard na seryosong nakatayo sa nakasaradong pinto. Nakasuot ito ng puro itim at may headset na nakasabit sa tenga.
Hindi ito sumagot sa tanong ko. Wala itong ekspresyon sa mukha at seryosong nakatingin lamang sa harapan.
Sa loob ng limang taon wala akong naging balita sa kapatid ko. Umaasa ako na matutulungan niya ako sa gulong pinasok ko. Hindi ko naman akalain na may sa demonyo ang matandang pinagkakautangan ko.
Ilang sandali pa ay pumasok na si Axel sa loob ng opisina nito. Lumabas ang bodyguard na nasa loob at naiwan kaming dalawa.
"Ano ang masamang hangin na nagpapadpad sa iyo rito, Calix?" malamig na tanong nito sa akin.
Sinundan ko siya ng tingin. Muli akong bumuga nang malalim at saka ito sinundan. Umupo si Axel sa black leather chair nito at tumayo naman ako sa harapan nito. Itinukod ko ang magkabila kong kamay sa lamesa nito at tumingin sa mga mata ng kapatid ko.
"Kailangan ko ng tulong mo, 'tol. Naipit na ako at wala na akong mapuntahan na kahit na kanino. Si Kuya Vrex naman hindi ko na mahanap ang anino at naibenta na niya iyong dating bahay natin. Ikaw na lang ang pag-asa ko, 'tol."
Nag-cross fingers si Axel at saka nginisihan ako. Hindi ko alam kung ngiti iyon nang pang-iinsulto. Hindi ko siya dinalaw sa kulungan nang mapagbintangan ito ng mga kamag-anak ni Papa. Pagkatapos nandito ako at humihingi ng tulong dito samantalang wala naman akong ginawa noon kun'di umiyak.
"Ilang taon ka na ngayon, Calix?"
"Nineteen..." Kinagat ko ang ibaba kong labi. "Tol, p'wede akong magtrabaho kapalit ng perang hihiramin ko sa iyo. Sabihin mo lang kung ano ang p'wede kong gawin at gagawin ko."
"Alam mo ba kung ano ang trabaho ko ngayon at negosyo ko, Calix? Nagbebenta ako ng mga babae sa bar."
Napalunok naman ako sa sinabi nito. Mukha nga itong masamang tao ngayon. Marami itong mga tattoo sa katawan at may hati pa sa kanang kilay. May peklat din ito sa kaliwang pisngi at mukhang malalim iyon. Mahaba ang bigote nito at makapal na rin ang balbas.
"Tol, kapatid mo ako. Hindi mo naman siguro ako ibebenta 'no!" medyo kinakabahan na sabi ko ngunit pinapanatili kong matapang ang aking boses.
"Calix, nag-aral ka hindi ba? Ang balita ko nga habang nasa kulungan ako nag-graduate ka ng business marketing. Paano ka nagkaroon ng malaking utang?"
"Kuya Axel, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil hindi na tinuloy ni Tito Cedric ang pagpapakasal sa akin simula noong nakulong ka. Pinag-aral ko ang aking sarili kaya nabaon ako sa utang. At sinubukan ko rin na mag-abroad kaso na-scam ako ng pekeng agency," malungkot na paliwanag ko rito.
"Kaya ka nandito dahil iniisip mo na tutulungan kita, tama?" Hinimas nito ang ibabang baba at saka tumingin sa akin.
Nag-peace sign ako at saka tumango. "P'wede ba?"
"Ayoko, Calix! Matagal ko na kayong kinalimutan ng kapatid mo. Hindi ko na rin kayo tutulungan dahil ang pamilya mo ang gumawa ng paraan para makulong ako ng limang taon sa kulungan," seryosong sabi ni Kuya Axel na hindi man lang kumurap. "Humingi ka ng tulong sa iba ninyong kamag-anak. Hindi ko kayo kadugo kaya pinuputol ko na ang anumang ugnayan natin."
Naluluha akong tumingin dito. "Kuya, hindi ako p'wedeng umuwi sa apartment ko na walang pambayad kay Don Pends. Hindi ko p'wedeng ipambayad ang sarili ko sa bansot na matandang hukluban na iyon, Kuya Axel. Oo hindi nga tayo magkadugo pero Kuya pa rin kita. Pareho tayo ng apelyido at hindi mo ako p'wedeng itakwil dahil hindi ako papayag. Isipin mo na lang, ang ganda ng kapatid mo pagkatapos mapupunta lang sa matandang hukluban?! Kuya, please naman!" naiiyak na pakiusap ko rito.
"Ano ang pangalan ng taong pinagkakautangan mo, Calix?" pang-uulit na tanong nito sa akin.
Nilapitan ko siya ngunit inilayo nito ang sarili sa akin na para bang nandidiri siya sa akin.
"Don Penduko Agaton, siya iyong may-ari ng rice mill doon sa atin."
May idinayal itong number sa cellphone na hawak. Tumayo ito at naglakad patungo sa may bintana.
"Penduko Agaton, Bryan," sabi nito sa kausap. "Kapag nahanap mo singilin mo na rin sa mga utang niya sa akin. At papirmahin mo ng kasunduan na wala ng utang si Calixta Capistrano sa kanya." Ibinulsa ni Kuya Axel ang cellphone nito matapos makipag-usap kay Bryan.
Mabilis ko siyang nilapitan at saka niyakap. Ngunit itinulak niya ako at nag-spray pa siya ng alcohol na nakapatong sa lamesa nito.
"Sobrang arte mo naman, Kuya Axel," nakangusong sabi ko rito. "Salamat, ha. P'wede ba akong tumira ri---"
Muli itong umupo sa black leather swivel chair at seryosong tumingin sa akin. "Binayaran ko ang utang mo ngunit may kapalit, Calix. Simula ngayon magtratrabaho ka na sa---"
Napaupo ako sa silya at sinapo ng aking magkabilang palad ang aking mukha. Humagulhol ako nang malakas.
Akala ko magkapatid kami... pero bakit niya ako ibebenta sa bara.
Sumisinghot akong tumingin ng masama dito. "Hindi pa nga ako nagkaroon ng seryosong relasyon pagkatapos ibebenta mo na lang ako, Kuya Axel. Sobra ka naman dinaig mo na si Lucifer sa kasamaan." Muli akong umiyak nang malakas na malakas.
Nagulat ako nang batuhin ako nito ng isang roll na tissue.
"Sino ba ang may sabing sa bar ka magtratrabaho, Calixta?! Simula ngayon dito ka na sa bahay ko magtratrabaho at gagawin mo ang lahat ng ipag-uutos ko! Hanggang sa mabayaran mo lahat ng utang mo sa akin, maliwanag ba?"
Para akong t@nga na natawa mag-isa.
Safe pa rin pala ang Bataan.
"Noted, Kuya Axel," nakangiting sagot ko rito. Pinahid ko ang aking luha sa mga mata at hindi na mawala ang ngiti sa aking mga labi.