“Happy Birthday Angelie!” Malakas na sigaw at bati ng mga dumalo. Masayang nagpasalamat si Lei sa mga bisita.
It's Angelie Birthday at dahil dun ay sobrang busy ng Cafe. Habang ako nandito sa gilid tumutulong mag-entertain ng Guest.
“Zhaira!” Lumingon ako sa taong tumawag sakin.
“Amara, Marco.” sabi ko at lumapit sa kaniya. Magkasama silang dumating. Yumakap ako sa kanila at nakipagkwentuhan ako kay Amara. Iniwan ko muna sila ng nasa harap kami ng Function Room.
Pababa ako sa mini stairs ng Cafe ng biglang bumukas ang door. Hindi na ako nagulat ng makitang si Calvin kasama si Patricia. Nirelax ko ang sarili at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
Pansin ko na nakatuon ang atensyon sakin pati kila Calvin ang mga bisita. Kahit si Dad at Tito Alvin ay natigilan sa pag-uusap.
Naglakad ako palapit kila Calvin at ngumiti. Yumakap ako sa kanila ni Patricia.
“Mabuti at nandito na kayo. Nasa Function Rooom na sila.” Sabi ko habang hindi inaalis ang pekeng ngiting pinapakita ko.
Pwede na ba akong artista sa oras na ito? Kaya ko pala makipagplastikan kung gugustuhin ko. Sadyang ang tingin lang sakin ng mga tao ay Good Girl na kahit nagawan ng masama ay mabait pa din ako.
It's my nature. Kaya madali akong mauto at maloko.
“Thank you, Zhaira.” Nakangiting sabi ni Patricia.
“Hindi ko na kayo masasamahan. Nakita niyo naman na busy ako. Nasa Event Room Two sila.” Sabi ko.
Hindi ko magawan tignan si Calvin. Tanging na kay Patricia lang ang atensyon ko.
“Sige, Naiintindihan namin Zhaira.” Sagot ni Patricia. Magkahawak kamay silang umalis sa harapan ko ni Calvin.
Ngumiti ako sa mga taong pinagmamasdan kami. Dumaretso ako sa Office.
Hindi ko namalayan na pumasok si Dad. Humarap ako sa kaniya at mabilis na nilandas ang pagitan namin.
“Are you okay Iha?” Umiling ako at isinuksok ang mukha sa leeg ni Dad. Hinaplos naman ni Dad ang likuran ko.
Nang kumalma na ako ay humarap ako kay Dad. Masuyong inangat ni Dad ang Mukha ko. Umiwas ako ng tingin.
“What's with that show Zhaira? Kailan pa naging close kayo ulit ni Calvin at sa girlfriend niya?” Seryosong Tanong ni Daddy.
Alam ko na naguguluhan si dad sa nangyayari. Ngumiti lang ako at sandaling nag-isip ng idadahilan.
“Dad, Don't worry about me. Nakamove on na ako sa kaniya. Tyaka mabait si Patricia kaya hindi madali sakin ang makipagclose sa kaniya.” Sagot ko.
“Are you sure?” Hindi pa din masatisfy si dad sa sinasabi ko.
“Daddy, Pano kung sabihin kong hindi pa din ako Okay? may mangyayari ba? May magbabago ba? Di ba hindi. Kaya mas mabuti na yung ganito na lang kami. Para hindi na complicated ang lahat. Kahit papaano ay may pinagsamahan din kami ni Calvin.”
Natahimik si Dad sa sinabi ko. Alam ko na pati siya ay nahihirapan din sa sitwasyon ko.
“Is this my karma?” Dad said with a tone of sadness.
“Don't say that dad. Kung ano man ang nagawa mo before it's because you want the best for mom. Marami kang ginawa na hindi matutumbasan ng kahit na ano. And you're the best father for me.” Naglalambing na niyakap ko si Dad. Narinig ko ang mahinang tawa ni Daddy. Mabuti na lang at naiba ko ang usapan. Ayokong pati si dad ay malungkot.
We decide na huwag na mag-drama sa office. Sabay kaming nag-punta ni Dad sa Event Room. Naabutan namin si Jacob na kinakantahan si Lei.
Looking at them, Masaya ako para kay Lei. Hindi din nakaligtas sa mga mata ko ang sweetness ni Calvin at Patricia.
May konting kurot sa puso pero kaya pa naman. Habang pinagmamasdan ko sila ay selos ang namumuo sakin. Hinihiling na ako na lang sana ang kasama ni Calvin. Ang hirap magmahal sa taong hindi na magiging akin ulit.
Aalis sana ako sa Function Room ng biglang sumulpot sa harap ko si Jacob. May hawak itong White Rose. Nanlaki ang mata ko sa sunod nitong ginawa.
“Zhaira, Can you be my Girlfriend?” Jacob asked. Tinignan ko ang paligid. Pati din sila ay nagulat sa ginawa ni Jacob. Akala ko nga ay para kay Lei ang White Rose. Wala din akong idea na gagawin to ni Jacob.
Tumingin ako kay Jacob, Sunod kay Calvin na pati rin siya ay napukaw ni Jacob ang atensyon.
Everyone Cheered Jacob. Their want me to say Yes. Hindi ko alam ang gagawin. Dapat ba na pagbigyan ko si Jacob?
Napansin ko ang mahigpit na hawak kamay ni Calvin at Patricia. Wala sa sariling sumagot ko.
“Yes, Jacob.” I said. Jacob hand me the white rose and hug me tight. Masaya ang lahat para samin. Kahit na may isang taong nasasaktan.
Tama ba na sinagot ko si Jacob? O dala lang ng selos at inggit ko kaya ako pumayag. Our Tita's and Tito's congratulate us.
Tumayo si Lei at masama ang tingin niya samin at mas lalo na sakin.
Natapos ang Party na wala ako sa sarili. Hindi ko pa nakakausap ng maayos si Jacob dahil busy ito sa mga kaibigan namin. Even Samuel and Zhaidhenne are so shocked. Ang parents ko naman ay masaya para sakin. Siguro sa isip nila ay handa na ako makipagrelasyon sa iba at may tiwala sila kay Jacob.
Naiwan ako mag-isa sa Cafe. Kakausapin ko si Jacob Bukas. Ayoko ng ganitong feeling. Parang hindi tama tong disisyon ko. Alam ko na may nasaktan akong tao.
Narinig ko ang pagbukas ng door. Hindi na ako nagulat ng makitang si Lei iyon. Masama ang tingin niya sakin at binigyan ako ng malakas na sampal. Agad kong sinapo ang pisngi sa hapdi.
“You promise me Zhaira! Hindi ka nakinig sa pakiusap ko.” Aniya at umiyak sa harap ko. Hindi ko mapigilan ang sariling Lumuha din.
“I'm sorry Lei. Hindi ko sinasadya na saktan ka pero wala akong choice dahil ayokong iturn down si Jacob sa harap ng Family's natin.” Pagdadahilan ko.
“That's bullshit Zhaira. Ang sabihin mo, From the start gusto mo na agawin sakin si Jacob. Nakiusap na ako sayo di ba. Ang daming lalaki dyan na pwede mong sagutin siya pa talaga. Alam mo na mahal na mahal ko si Jacob.” Nahihirapan nitong sabi.
“I'm sorry Lei.” Wala ng namutawing salita sa bibig ko kundi ang sorry.
“Birthday ko pa naman Zhaira. Ang selfish mo! Ang damot, Damot mo!” Galit nitong sigaw sakin.
Susugurin sana ako ni Lei ng biglang pumasok ng Cafe si Jacob at inilayo siya sakin. Nahihirapan kaming pareho sa pag-iyak. Inilabas ni Jacob si Lei at gustong kumalas sa pagkakayakap niya. Naiwan akong mag-isa habang nag-sisisi.
Pinunasan ko ang luha at pinakalma ang sarili. Bukas na bukas ay kakausapin ko si Jacob.
Sinara ko na ang Cafe. Kinuha ko ang car keys ko ng mapansin ko ang isang taong hindi ko maintindihan kung bakit naka sandal sa Car ko.
“Zhaira..” Aniya sakin. Tinulak ko siya dahilan para lumayo sakin. Ilang minuto akong tumayo sa kinatatayuan at Tinapunan siya ng masamang tingin.
“Nandito ka ba para sisihin ako?” Mahigpit na hinawakan ni Calvin ang kamay ko.
Iwinaksi ko ang kamay niya.
“Ano ba ang kailangan mo sakin? Alam ba ng girlfriend mo na nandito ka? Siguro nandito ka para makita kung anong gagawin sakin ni Lei.” Sabi ko. Hindi makasagot si Calvin. The next thing I knew he was hugging me.
Hindi ako makagalaw. Nablangko ang isip ko Hanggang sa muling bumuhos ang luha ko. This is what I need a someone I can rely on.
Hindi ko maintindihan kung bakit nandito si Calvin. Gusto niya ba ako sumbatan. Galit ba siya kasi nagawa kong saktan si Lei. Ang daming katanungan sa isip ko.
“Zhaira.” Agad akong lumayo kay Calvin ng magsalita si Patricia. Hindi lang pala si Calvin ang nandito kasama pala niya ang girlfriend niya.
“Zhaira are you okay?” May pag-aalalang sabi ni Patricia. Ngumiti ako sa kaniya.
“I'm fine, Anong oras na din at sobrang pagod ko ngayun.” Sagot ko.
“Nag-alala kami ni Calvin nung nakita namin si Lei na papunta dito sa Cafe. From what Calvin told me that Lei is in love with Jacob. Kaya naisip namin na sundan siya. Baka kung anong gawin sayo. Mabuti at tinawagan ko si Jacob. That's why we're here.” Aniya..
“Salamat sa Concern Patricia. Hindi na sana kayo nag-abala. Deserve ko naman ang galit ni Lei. Nasaktan ko siya and I feel so Guilty about it.” Sabi ko.
“Then why you say Yes to Jacob if you're so guilty Zhaira.” Sabat ni Calvin. Seryoso ang itsura nito.
“Why do you care? This is not your business.” Inis kong sagot kay Calvin. Guilty na ako dahil may kasalanan ako bakit kailangan pa niyang iquestion. As if naman na nasaktan din siya na malabong mangyari.
“Sorry Zhaira. Huwag pati kayo mag-away ni Calvin.” Pumagitna samin si Patricia. Umirap ako at sumakay na sa Car ko. Mabilis kong pinaandar ang kotse at hindi na nag-paalam pa sa kanila. Iniwan ko sila sa parking lot ng Cafe.
Mugto ang mata ng gumising ako kinaumagahan. Hindi ako makatulog sa kakaisip sa nangyari kahapon.. Kailangan ko makausap si Jacob pero bawiin ang pagsagot ko sa kaniya.
Kailangan ko mag- give way para hindi na masaktan si Lei.. Kung ito lang yung tamang desisyon ko why not. Huwag lang ako makasakit ng tao.
Nakipagkita ako kay Jacob. Siya ang nagdecide na sa Cafe na lang kami mag-usap.
Mahabang katahimikan ang namagitan samin hanggang sa basagin ko iyon.
“Jacob, Tingin ko hindi tama na sinagot kita.” Panimula ko.
“Anong hindi tama Zhaira? Alam mo na mahal kita. Anong masama kung susubukan natin?” Sunod-sunod nitong tanong.
“Hindi tama dahil nakasakit tayo. You knew from the start na gusto ka ni Lei kaya bakit liligawan mo ko kung pareho naman nating alam na may feelings ka din sa kaniya.” Sabi ko.
“Mas matimbang yung pagmamahal ko para sayo Zhaira. Kung si Lei ang problema mo. Nakausap ko na siya at alam niya kung ano siya sakin. Please zhaira give me a chance to prove my love for you.. Give me one month, Kung talagang walang chance then Maghihiwalay tayo.” Pakiusap ni Jacob. Sumasakit na ang ulo ko sa dami ng iniisip. Hindi ko na alam ang gagawin. Natatakot ako na kung anong lumabas na salita sa labi ko ay makagawa pa ng gulo.
“Kung hindi mo ako magawang mahalin in just one month. Papalayain kita Zhaira.” Hinawakan ni Jacob ang kamay ko. Habang hinihintay ang sagot ko.
Eto yung pangarap ko na may taong magmahal sakin. Ngayun nandito na bakit parang ang hirap sakin. Gusto kong pagbigyan si Jacob pero ayoko ng dagdagan pa ang sakit na nagawa ko kay Lei. Nahihirapan na ako sa totoo lang. Ang hirap magdisisyon dahil nakasalalay dito ang kaligayan ng dalawang tao.
Iniisip ko kung papayag ako. Pano na si Lei.
Nagpakawala ako ng buntong hininga.
“One month Jacob. Kung hindi ko talaga kayang suklian ang pagmamahal mo. Sana walang magbago satin.” Pagsuko ko. Ang hirap tanggihan si Jacob dahil marami na din siyang nagawa para sakin. Mahal ko siya bilang kaibigan pero kung higit pa doon ay kaya ko naman ibigay sa kaniya. Yun lang may hadlang at makakasakit kami ng damdamin.
Masaya akong niyakap ni Jacob.
“Thank you Zhaira. Hindi mo lang alam kung pano mo ako napasaya. Don't worry, Habang tayo papasayahin kita. Ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal.” Makikita kay Jacob ang sobrang saya. Halos kuminang na ang mga mata nito sa tuwa.
Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman kung saya ba o Lungkot. Dahil finally, magagawa ko ng mag-move on sa pamamagitan ni Jacob. Lungkot dahil hindi ko na magagawang ipagpatuloy pa ang feelings ko kay Calvin.