Chapter Eight

1603 Words
Nagising ako na nasa tabi ko na si Calvin. Bigla akong napabangon sa kama. Nanlalaki ang mga mata at gulat na gulat sa nangyayari. I'm in my right mind last night but what happened between us is not right. Nagpadala ako sa mga halik sakin ni Calvin at nangyari nga ang hindi dapat. Bumangon si Calvin. I can't even looked at him in the eye. Hindi sa nahihiya ako but I feel so Guilty. Tama pa ba ang desisyon ko sa buhay. Calvin is my Ex not someone special to me. Hindi ko man magawang pagmasdan si Calvin. Mahabang katahimikan ang namutawi samin. Yung feeling na parang walang nangyari samin last night. Kung umakto siya parang hindi siya nagkasala sa Girlfriend niya. Balot ang katawan ng kumot sinubukan kong magsalita ng maramdaman man lang niya na hindi siya nag-iisa sa apat na sulok nitong kuwarto. “So what's your plan? acting like nothing?” Hindi ko mapigilan ang sariling mainis. Walang buhay na humarap sakin si Calvin. His eyes where cold as ice. “What do you expect me to do Zhaira? We both like what we did last night. I didn't force you or what.” He calmly said. Tumayo ako at walang oras na sinayang. Inangat ko ang kaliwang kamay at binigyan siya ng malakas na sampal. Nanginig ang buong katawan ko. Hindi ito ang gusto kong marinig mula sa kaniya. “Don't tell me you want something from me. Do you want me to take responsibility for what we did huh? That's what you want tell me!” Hinawakan ni Calvin ang braso ko at malakas na pinisil. Ngumiwi ako dahil sa sakit na dala ‘nun. “Bitawan mo ako Calvin! Nasasaktan ako!” Malakas kong sigaw sa kaniya. Nagsiunahang tumulo ang luha ko. Binitawan din agad ako ni Calvin. Nanghihina ang tuhod na naupo sa edge ng kama. “Ayokong malaman ni Patricia ang nangyari satin.” Aniya at walang lingon likod na pumasok sa Bathroom. Agad kong pinulot ang mga damit ko sa lapag. Nagmamadali akong nagbihis at umalis na. Mabuti na lang at wala ang Pamilya Delos Santos. Sumakay ako sa kotse ko at doon ay inilabas ko ang sakit na dala-dala. Pinaghahampas ko ang manubela. Ngayun ko narealize na talagang wala na. Hindi ako umuwi dahil alam kong mag-aalala lang sakin ang Pamilya ko. Pumunta ako sa isang taong Sobrang close ko at iyon ay si Tito Vince. Bumaba ako sa Boutique shop ni Tita Rea Salvador- Montereal. Asawa ni Tito Vince Montereal both close friend ni Mommy. One of my Mom's support system when my Parents got Separated. Pagkabukas ko palang ng door ay bumungad si Tita Rea. Magandang ngiti agad ang sinalubong niya sakin. “Zhaira, Iha. Mabuti at bumisita ka rito.” Masayang sabi ni Tita Rea. Mahigpit ko siyang niyakap. “I need to unwind Tita. Recently kasi ay sobrang stress ko sa work." Sagot ko. Nameywang sa harap ko si Tita Rea. “Are you sure na stress lang sa work or with something else?” Sabay kaming naupo sa Couch. “Why Tita? Parang di ka convince. May sinasabi ba sayo si Mommy?” Maybe mom already told Tita Rea about what makes me stress. “I'm not really Convince iha. I know you, You're just like your mom. Kahit hindi mo sabihin sakin alam ko na ang dahilan. Walang tinatagong secret sakin ang Mommy mo. Kaya alam ko nangyayari sa buhay mo. So tell me Zhaira, anong ganap sa life mo? or should I say sa Lovelife mo?” Nagbaba ako ng tingin. “Tita, Ano ba ang dapat kong gawin? Nahihirapan na kasi ako. Ayoko naman na bigyan pa ng dahilan si Mommy para mag-alala sakin. Pano ako maka move on kung ang sarili ko hindi ko kayang bigyan ng Chance na humanap ng iba. Ang dali kasing sabihin na mag-move on pero ang hirap gawin. Kung yung taong gusto kong kalimutan part na ng buhay ko. Mahirap kalimutan at iwasan.” Mahabang paliwanag ko. Hinawakan ni Tita Rea ang kamay ko at marahang pinisil. “Zhaira, Malakas ka. Kaya mong harapin ‘yan ng mag-isa. Katulad ng sabi ko katulad ka ng Mommy mo. Remember, Pinalaki ka ng mag-isa ng Mom mo. Ginagawa niya ang lahat kahit wala sa tabi niyo ang daddy mo. Nagawa niyang mag-patawad at until now masaya siya with your dad. Isipin mo lahat ng happy memories na kasama mo siya. Subukan mo din na magpatawad dahil doon mo makukuha at marealize na kaya mong mabuhay na walang dinadalang sakit sa nakaraan. Like me, Hindi naging maganda ang relasyon ko sa Daddy ko pero nagawa ko siyang patawarin at bigyan ng second chance. Lahat ng nangyayari pagsubok lang iha.” “Kaya ikaw Zhaira. Huwag mo ibuhos ang buong oras at panahon mo sa sakit at bad memories na gusto mong ibaon dahil part na iyon ng buhay natin. Ang lagi mong tatandaan ay marami pa din mga taong handa kang tulungan at mahalin. Hindi mo kailangan magmalimos pa ng pagmamahal sa taong wala ng interes sayo.” Ngumiti si Tita Rea. Tama si Tita Rea. Hindi dapat ako panghinaan ng loob. Marami pa din ang nagmamahal sakin. Biglang may nagbukas ng door at pumasok si Tito Vince. Masaya namin siyang sinalubong ni Tita Rea. My Tita Rea and Tito Vince is happily married. Katulad ng Parents ko ay marami din silang kinaharap na pagsubok. I just wish na sana katulad nila ay mahanap ko din yung Right Man na para sakin. Makuha ko din yung happy ending na pangarap ko. Kasama ang taong mahal ko. After ng dramahan at Kwentuhan. Naisipan ko na pumunta sa Cafe since hindi ako pwedeng magtagal sa Boutique shop dahil may business din akong dapat asikasuhin. Gusto ko man magpahinga ay hindi pwede. Tama na yung ilang oras akong nag-unwind at kalimutan panandalian ang nangyari sakin. Malapit na din ang birthday party ni Angelie at kailangan ko na rin maging busy. Walang Choice si Lei kundi ang pagbigyan si Tito Sean. Kahit na mas may Experience siya sakin ay ako na ang pinag-organize ni Tito. Ang balita ko ay busy ang mga kaibigan ni Lei kaya hindi nila maasikaso ang birthday celebration ng Friend nilang si Lei. In the end ay dito sa Cafe gaganapin ang Celebration. Pagkarating ko sa Cafe. As usual ay maraming customers. Lumapit sakin si Eufi at pinaalam na nandito sa Cafe si Calvin at Ang Girlfriend niyang si Patricia. Hindi ako nagpakita ng kahit na anong reaksyon. Ano naman ngayun kung nandito sila. Tapos na akong magpakatanga. Sumaglit ako sa Office at pumunta ng Cakes and Coffee Area. Pinagpahinga ko muna ang Barista na naka assign at ako ang nag-serve ng Coffee and cakes na order ni Calvin at Patricia. “Enjoy..” Sabi ko. Ngumiti sakin si Patricia. “Thank you. I really want to try this Blueberry Lemon Sponge Cake. Sabi ni Calvin masarap ito.” Ngumiti ako kay Patricia. Bumaling ako kay Calvin na tahimik lang. “If you want anything nasa Cakes Area lang ako.” Saad ko. Tumango naman si Patricia. Habang pinagmamasdan ko si Calvin at Patricia. Hindi ko mapigilan ang sariling maalala ang nakaraan namin ni Calvin. What ever I do laging nandyan para sakin si Calvin. Halos hindi na kami mapaghiwalay. Until nag-teenager kami, natupad mga pangarap namin sa buhay. Having a Decent work ang kulang na lang ay ang magkaroon ng Buo at Masayang Pamilya ng magkasama. Pareho naming pinangarap na maikasal sa isa't-isa. Ngayun, napapaisip ako kung talaga bang We've been Fated to Love or it's Just me who still being delutional. Nagpapangap na parang walang mali sakin. Siguro nga ay may mali sakin kasi hindi ako ipagpapalit na lang ng walang dahilan. Am I being too Strict and possessive over Calvin kaya nagawa niyang mainlove sa iba? Or talagang darating yung time na kaya niyang ibaling sa iba yung pagmamahal na para sakin. Eto na naman ako sa dami ng iniisip na What if's. Tinapos na niya ang lahat at pagbabasehan ang nangyari samin last night ni Calvin. It's just pure lust. Yun lang ang papel ko sa buhay niya. Maybe it's a Sign na dapat lang na totally out na siya sa sistema ko. I'm busy preparing the cakes when Patricia Called me. Agad akong lumapit sa table nila. “May problema ba?” Tanong ko. Umiling si Patricia. “I'm sorry to say this but I want you to know na it bothers me looking at your apperance today Zhaira. Don't hate me dahil sa nakikialam ako it's just that nakikita kasi yung Kiss mark mo.” Aniya ng naka ngiti. Agad akong napahawak sa Neck ko. Nakalimutan ko na takpan ang kiss mark. Halos wala kasi ako sa sarili pati ang sarili ko hindi ko na magawang ayusin. Pilit na ngiti ang ipinakita ko sa kaniya. “Thank you. Nakalimutan ko, sige maiwan ko muna kayo.” Nagmamadali akong nag-punta sa comfort room. Tinignan ko ang sarili sa salamin. Ang laki na ng pinagbago ko. Hindi na ang dating masayahing Zhaira ang nakikita ko ngayun. Tinakpan ko agad ang kiss mark na si Calvin ang may gawa. Nakakatawang isipin na Hindi alam ni Patricia na si Calvin ang may gawa sakin neto. Kung alam lang niya. Tinatarantado na siya patalikod ni Calvin. A one night mistake with Him. Hindi na iyon mauulit pa. Lumabas na ako ng CR. Nagkasalubungan kami ni Calvin. Hindi ko siya nilingon. Chin up and straight pose lang Zhaira. Maganda ka at matalino hindi dapat ikaw ang maghabol sa taong ayaw na sayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD