OZ __ Hindi ko alam kung bakit nag-iwas agad ako ng tingin nang makita ko si Ms. Bel. Gusto ko na munang umiwas sa kahihiyan pero halos lumuwa ang puso ko nang marinig ko ang tinig nito sa tabi ko. "Nagtatago ka ba?" Inangat ko agad ang ulo ko pero sa ibang direksyon ako tumingin. "H-hindi po..." "You're too red." She chuckled. "It feels like you're more traumatized than surprised. That's a little bit offending." Napalunok ako at pinilit kong tumingin sa kaniya. "P-pasensya na po talaga, Ms. Bel. H-hindi ko po sinasadya..." "No, it's my fault. That's totally fine with me." I knew she was smiling pero hindi ko magawang ngumiti. Kanina pa nagpa-flashback sa isip ko 'yung nakita ko kahit na iniiwasan ko pa rin. Naubos na rin ang laway ko sa kalulunok. "Nakita mo ba si Atlas?" Tinur

