RAVEN BLAISE ROSS __ I sprayed perfume all over me and looked in the mirror for the last time before I headed out of the room. "Kinulang ka na naman sa saplot," komento ni Lottie nang makasalubong ko siya pababa ng hagdan. "Inggit ka lang," sagot ko habang patuloy sa paghakbang pababa. Nakalabas na ako ng main door at nakakailang hakbang pa lang nang harangin ako ng mga security. "Ms. Bel, Wala pa hong order si Boss na puwede na kayong lumabas." Tumaas ang kilay ko. "May order ka sa akin. Get out of my way." "Pasensya na ho talaga, Ms. Bel. Sumusunod lang po kami sa utos." Nakaramdam na naman ako ng inis sa mga ito at sa amo nila. I thought we were already fine last night pero ini-enforce pa rin pala niya ang punishment na iyon. "Utos ko, hindi mo susundin? I said get out of my w