ATLAS JUOAQUIN ZACARIAS __ "Boss, nasa loob na." Nagtangis agad ang bagang ko habang patuloy ang hakbang sa hallway. Pagpasok sa silid, nakita kong nakagapos ang mga kamay nito sa itaas at marami nang sugat ang mukha at katawan. Still, he managed to glare at me with so much ungratefulness. I would not usually punish my people using my bare hands dahil ayoko nang nadudumihan ang kamay ko pero sa pagkakataong iyon... tumama agad ang kamao ko sa mukha niya. I let myself lose my cool hanggang sa hindi ako nagsasawang pagsusuntukin ang pagmumukhang 'yon. Marahas kong kinuha ang kuhelyo niya habang malakas ang paghinga ko at nagbabaga pa rin ang katawan ko sa galit. "Akala mo hindi ko malalaman? You think I'm dumb?" "Tanga ka naman talaga... simula nang makilala mo 'yung bobong babaeng 'y

