Sa pag gising ko ay halos hindi ko na magalaw pa ang aking katawan dahil sa sakit. Hindi ko alam paano gagalaw, sobrang sakit lalo na ang pagitan ng hita ko. Huminga ako ng malalim at pinilit na gumalaw pero napadaing lang ako. "Babe!" napatingin ako kay Ivan na kakapasok lang sa kwarto at may dalang tray. Nakaramdam ako ng gutom at naalala ko na kahapon pa pala ako ng tanghali na hindi pa kumakain. Agad ako nilapitan ni Ivan para tulungan na umupo. Isang over size tee shirt ang suot ko. S'ya naman ay isang sandong puti. Pumasok sa isipan ko ang mga nang yari sa amin kagabi. Binigay ko sa kan'ya ang pinaka iningatan ko. Wala akong maramdaman na pag sisisi o ano pa man. Masaya na ako na kay Ivan ko binigay 'yun alam ko na ang totoong nararamdaman ko sa kan'ya. "Uuwi ba tayo ngayon?"