Gulat pa si Lolo ng makita akong bumaba ng taxi. Wala ng luha sa mga mata ko pero ang nararamdaman ko ay walang kasing sakit. Nilagpasan ko 'to at pumasok ako sa loob. Dumiretso ako sa taas at saka pumasok sa kwarto. Mabilis kong ni lock ang kwarto ko. "AHHHHHHHHHH!" Napatakip ako ng tenga. Hindi ko maalis alis sa tenga ko ang narinig ko kanina. Ako ang dahilan bakit sila nasira. Wala akong pinag kaiba sa mga babaeng naging kabit. Isa ako sa kanila. Ikakasal na sana sila kung hindi ko inakit si Ivan. Nanginginig ang buong katawan ko. "Apo, ayos ka lang ba?" Hindi ako sumagot. Ayoko maging tulad nila pero ginawa ako ni Ivan. Paano n'ya nagagawa 'yun? May alam ba si Imogen? Wala. Walang alam si Imogen dahil hindi ako hahayaan masaktan nito. Si Tita Ara? Tumulo ang luha ko. Humin