Napailing ako dito at tuloy tuloy tumulo ang luha ko habang nakatingin kay Lolo. "B-Bakit ako? M-Mag kaibigan lang kami ni Nicolo." sabi ko dito. "Mahal ka ng tao---" "Hindi ako mahal ni Nicolo!" sigaw ko kay Lolo. "How dare you to raise your voice to me! Mawawalan ka ng mana sa akin--" "Hindi ko kailangan ng mana mo! Kahit ano pa galing sa'yo--" agad tinakpan ni Mommy ang bibig ko. Galit na galit sa akin si Lolo. Para bang pinipigilan nito ang kan'yang sarili na wag akong saktan. Muling bumuhos ang luha ko. Inalis ko ang kamay ni Mommy sa bibig ko. "I hate you." Nagulat ako ng may humawak sa akin sa likod. Agad na may pinaamoy sa akin. "Shania!" Mabilis dumilim ang paningin ko at sabay non ang pag kawala ko ng malay. Nagising ako sa pamilyar na kwarto. Dahan dahan akong b