Alas sais na mahigit. Kailangan na namin dapat umalis dahil baka traffic pa. Nakakailang subo ako ay bigla kong naisuka ang pag kain ko. Dinaluhan ako ni daddy para painumin ng tubig. "N-Nahihilo ako." Sumasabay ang hilo sa pag sakit ng ulo ko. Agad nila ako inabutan ng gamot ko. Ininom ko 'yun at naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin. "Umayos na kayo. Kailangan na natin umalis. Pag dating natin sa New Jersey ay oobserbahan si Shania." rinig ko ang boses ni Nicolo. S'ya ang bumuhat sa akin. Halos hindi ko madilat ang mga mata ko dahil sa sobrang hilo. Naramdaman ko na lang na inupo n'ya ako sa isang malambot na upuan. "Close your eyes." he said. "Let your self rest, Shania." Hindi na ako nag salita. Napahawak ako sa ulo ko. Naramdaman ko ang kamay ni Nicolo sa baywang ko hab