Nag lakad ulit ako. Sigurado naman na makikita ako ni Ivan. Ayokong mag stay sa isang lugar. Natatakot ako. Hindi ko alam bakit nanginginig ang katawan ko sa takot dahil sa lugar na 'to. "I-Ivan, matagal pa ba?" "Babe, bibilisan ko, okay?" lumunok ako at inikot ikot ang mga mata ko sa paligid. Narinig ko na ang iba't ibang sound sa kabilang linya. Mukhang papunta na s'ya sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko. Nanginginig ang katawan ko sa takot. Pilit ko na pinapakalma ang sarili ko. Dinilat ko ang mga mata ko at saka inikot ang tingin sa paligid. "Walang tao dito. Natatakot ako, Ivan." May ilaw sa poste, mahangin ang hangin. Nakakatakot. Sarado ang iilang gate ng bahay. Malayo layo na ako sa bahay. "Wait, okay? Malapit na ako." "S-Sige." Ilang minuto pa ang hinintay ko hanggang s