Chapter 6

1865 Words
Agad akong sumakay sa kotse ni Imogen at saka nag maneho papunta sa bahay nito. Nakita ko s'ya doon, halos pareho kaming suot na dalawa. Lumipat ako sa passenger seat at s'ya naman sa Driver seat. "Convenience Store muna tayo." Bumili kami ng ilang beer doon. Agad din lumabas at pumunta sa race. "WOOAAAAAH!" Napangiti ako. Alam ko na agad may problema s'ya at tungkol na naman 'to sa Mommy n'ya. Binigyan ko s'ya ng iilang advice. Pero tulala lang 'to. Halos s'ya na nakaubos ng inumin naming dalawa. "Uuwi na ako. Amina susi." napabuntong hininga ako at saka binigay sa kan'ya. Alam kong kaya n'ya 'to. Pinanood ko s'ya mag drive at naiwan ako sa Lopez Race. Tahimik akong nag lakad paalis doon at saka pumunta sa bleacher. Sinipa sipa ko ang mga bato doon. Hindi ko masabi kay Imogen ang problema ko dahil ayoko s'yang mag aalala sa akin dahil alam kong nasasaktan s'ya sa pag balik ng Mommy n'ya. Alam kong nahihirapan s'ya lalo na't ang tagal n'yang hindi 'to nakita at pinatay na n'ya 'to sa puso n'ya. Sabay pa nag balik ang mga taong binaon namin sa limot. Hindi ko muna sasabihin kay Imogen ang mga nang yayari sa akin. Mas kailangan ako ni Imogen. Ayoko din nasasaktan si Imogen dahil sa akin. Ayoko din s'yang nahihirapan. Nagulat na lang ako dahil sa pag vibrate ng cellphone ko. Napatayo ako dahil sa nabasa ko "Nakulong ako. :((" "What?!" "Ewan ko sa'yong babae ka! Dapat talaga hindi ko na binigay sa'yo ang susi!" "Tangina ka! Tatawagan ko si Tito!" Agad kong tinawagan si Tito. Mabuti na lang ay mabilis nitong sinagot ang tawag ko. "Shania, bakit?" kinagat ko ang ilalim ng labi ko. "S-Si Imogen po, nakulong." "WHAT?!" napapikit ako dahil sa sigaw nito. Namatay ang tawag at saka huminga ako ng malalim. Kasalanan ko 'to kung bakit ko ba naman kasi hinayaan na ibigay kay Imo ang susi ng sasakyan n'ya. Nakakainis! Hindi ko tuloy alam kung tatawagan ko ba si Ivan o hindi? Pero siguro kailangan ko s'yang tawagan. Nakailang ring lang ay agad nasagot ang tawag ko. "H-Hello..." "Hmmm?" "S-Si Imogen..." napapikit ako. "N-Nakakulong si Imogen---" "WHAT?!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Huminga ako ng malalim. "Mommy!" namatay ang tawag at naupo ako sa upuan. Kailangan ko ba pumunta sa police station? Oo, kailangan ko pumunta. Gusto ko pumunta, bahala na kung pagalitan ako pero pupunta ako. Tinakbo ko ang layo ng gate sa pwesto ko. Kahit hinihingal na ako ay hindi ako huminto. Kailangan ako ni Imogen. Alam kong kailangan n'ya ako. Tumutulo ang luha ko habang tumatakbo ako hanggang makalabas ako. Hinihingal akong nag hahanap ng taxi pero wala akong makuha. Kaya naman tinakbo ko ang daan at saka tumingin sa mga sasakyan na pwedeng sakyan hanggang sa makakuha ako ng taxi. Agad akong sumakay doon at sinabi ko kung saan ako pupunta. Nag bayad ako dito. Ramdam na ramdam ko ang pawis ko dahil sa kakatakbo. Pero sa pag pasok ko sa loob ay wala na sila. May lumapit sa aking pulis kung ano kailangan pero umiling ako. She's safe, right? Nagulat ako dahil may humila sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Ivan. Malamig ang tingin nito sa akin habang hinihila ako palabas ng presinto. "Uminom kayo ng kapatid ko at hinayaan mong mag drive na mag isa?" malamig na sabi nito sa akin habang galit na galit ang tingin. "K-Kinuha n'ya sa akin ang susi---" "Sana hindi mo binigay!" nagulat ako dahil sa sigaw nito sa akin. Nang gigilid na ang luha ko pero hindi ko hinayaan tumulo 'to. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko. Nag hahabol pa rin ako ng hininga dahil sa pagod ko sa pag takbo. "H-Hindi ko naman alam na g-ganito ang mang yayari." hinihingal na sabi ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil unti unti 'tong sumasakit. Tinagilid ang ulo ko saka tumingin kay Ivan na hanggang ngayon ay galit na galit sa akin. "Sana inisip mo! Paano kung naaksidente ang kapatid ko!" napayuko ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Masakit ang ulo ko, hinihingal ako dahil sa kakatakbo para lang makita si Imogen tapos... "S-Sorry..." mahinang sabi ko dito. Kasalanan ko na. Aminado ako. Ako ang nandoon at alam kong marami nainom si Imogen pero hinayaan ko pa s'ya mag maneho. "S-Sorry talaga!" Mabilis na akong tumalikod dito at agad nag hanap ng taxi. Sumakay ako agad sa nakuha ko at tumulo ang luha ko. Tumingin ako kay Ivan na ngayon ay nakatitig sa sinasakyan ko. "Arrrghhh!" Napahawak ako ng madiin sa ulo ko. s**t! Bakit ganito? Ang sakit! Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa sobrang sakit! "M-Manong pakibilisan naman po." nahihirapan na sabi ko dito. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay wala pa rin pag babago ang sakit. Binigay ko ang bayad sa kan'ya. Hindi ko alam nang yayari sa akin. Simula na nang yari 'yun ay madalas sumakit ang ulo ko pero hindi ko pinansin. Pero ngayon, lalo pa s'yang sumasakit. Natatakot ako. Hindi nila pwede malaman ang nang yayari sa akin. Ayokong mag aalala si Mommy, si Lolo at si Imogen. Lalo na si Imogen, alam kong sisisihin n'ya ang sarili n'ya sa nang yari. Hindi ko gusto 'yun. Mabilis akong pumunta sa ibabaw ng ref at kumuha ng isang pain reliever. Ininom ko 'yun ay umakyat na sa taas. Pinikit ko ang mga mata ko, hindi ako makatulog. Unti unti nawawala ang sakit. Hindi naman siguro dahil sa nang yari sa akin years ago 'no? Tumayo at tumingin sa make up table. Inayos ko ang buhok ko para makita ang peklat ng sugat ng gabing 'yun. It's worth it, I saved her. That is the most important to me. Biglang pumasok sa isipan ko si Ivan na galit na galit dahil sa nang yari. Hindi ko sinasad'ya ang ginawa ko. Oo, kasalanan ko. Hindi ko naman sinasad'ya dahil gusto ko? Lahat ng gusto ni Imogen ay nasusunod. He's mad at me. Kinabukasan ay hindi ako umalis sa bahay. Tahimik lang ako sa loob ng kwarto at nag papahinga. Pagod na pagod din ang pakiramdam ko dahil sa nang yari kahapon. Hindi din sinasagot ni Imogen ang text ko. Hinatiran lang nila ako ng pag kain dito at agad kong kinain. Tapos kukunin na lang nila pag tapos na ako. Wala din ako natatanggap na text mula kay Ivan. Galit talaga s'ya sa akin. Kagabi, natakot ako na baka mapano ako sa harapan n'ya. Natatakot ako. Ayoko maging mahina, ayoko ng gano'n. Kaya tumakbo na lang ako paalis doon kaysa naman kung ano pa ang nang yari. Pinikit ko ang mga mata ko. Miss ko na si Ivan, miss ko din si Imogen. Siguro dadalaw na lang ako sa kanila bukas. Mag hapon ako nag pahinga at hindi lumabas. Nang gabi na ay nagulat ako ng makita ko si Daddy sa sala kasama ang mga anak nito. Napatayo si Daddy ng makita ako. "Iana, anak." Wala na akong choice kung hindi pumunta doon. Wala pa si Mommy for sure busy na naman 'yun. Umupo ako sa tapat ng sofa nila saka tinignan sila. "Hindi ko pa naipapakilala mga kapatid mo." hindi ako nag salita. "Si Shanna at si Shan." ngumiti sila sa akin. "Okay." malamig na sagot ko dito. "What are you doing here?" nagulat s'ya sa tanong ko. "O-Of course, to see you, anak." malamig lang ang tingin ko sa kan'ya. "Do you want to eat dinner with us?" "I'm not hungry. Free to eat in the kitchen." sabi ko dito saka tumayo ako. Lumabas ako ng bahay ng walang paalam at saka nag lakad lakad. I feel so empty. Sa buhay ko, nakukuha ko ang lahat. Kung ano kailangan ko, kung ano gusto ko. Pero bakit gano'n? Hindi ako masaya pag nakukuha ko ang mga bagay na 'yun. Pakiramdam ko kulang lahat. Ang lungkot lungkot ko pag mag isa ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o sino kakausapin ko. Wala ako makapag tiwalaan sa lahat ng gusto ko kung hindi si Imogen pero ayaw ko pang dumagdag sa iisipin nito. Baka dumagdag pa ako sa problema n'ya at ayokong mang yari 'yun. Mas okay na wala muna s'yang alam sa akin. Wala muna s'yang dapat malaman dahil mag aalala s'ya. Ang swerte ni Imogen dahil close n'ya ang kapatid n'ya sa ama. Kahit si Sumie kahit gano'n s'ya kay Sumie ay alam kong mahal n'ya 'to. Eh ako? Wala ako kahit isa. Pag wala silang dalawa ni Mommy ay mag isa na lang ako. Mag isa sa malamig na kwarto. Mag isa ako at walang kasama. Pumunta ako sa isang malapit na convenience store saka pumasok doon. Kumuha ako ng cup noodles na malaki saka isang mineral water. Nilagay ko ng hot water ang cup noodles ko saka nilagay sa counter. Nag bayad ako saka pumunta sa upuan sa glass window. Tinakpan ko mabuti ang cup noodles ko para madaling uminit. Nang pakiramdam ko ay luto na 'to ay sinimulan ko ng haluin 'to. Hindi ako makakain ng maayos kung wala kaming kasambahay sa bahay. Baka nga kung saan saan na lang ako Resto kumakain kung sakaling walang kasambahay. Mabuti na lang ay mahal na mahal ako ni Mommy. Wala man oras, laging maayos ako. On time ang food ko, laging may bagong damit o kung ano ano pa. Sinimulan ko na kumain. Grrr! Ang sarap talaga ng spicy. Grabe! Nakakaganang kumain. Sanay na sanay na talaga akong kumain na mag isa kahit saan. Siguro dahil ang huling kain ko noong kumpleto pa kami ay noong grades school ako. After kong grumaduate, I always seeing them fighting over that girl. Kahit ilang beses ako pinapasok bi Mommy sa kwarto ko ay hindi ko sinusunod. Hugging my teddy bear while watching them fighting in front of me. I met Imogen, after my dad left us. She was asking me if I am okay. I just answered her honest question. Tapos doon na nag simula ang lahat sa amin. Pinangako sa isa't isa na walang aalis at mang iiwan. Laging mag paalam kung sakaling aalis at kung matagal bago mag kita. Huminga ako ng malalim. Naramdaman ko sa pisnge ko ang pag tulo ng luha ko habang kumakain. Pinunasan ko ang luha ko saka huminga ng malalim. Binuksan ko ang mineral water ko saka mabilis na ininom. Hindi ko din naubos ang pag kain ko kaya naman nag lakad lakad na lang ulit ako sa labas. Hindi pa rin ako umuuwi dahil alam ko naman na sila lang madadatnan ko. Ayoko silang makita, hindi ko naman na sila kailangan makita pa hindi ba? My father is the first man who broke my heart. The first man who left me. The man who hurt me. Kung sino pa ang aasahan mo na hindi mananakit sa'yo? S'ya pa ang mananakit sa'yo ng sobra. Pero kahit gano'n ay mahal ko si Daddy. Galit ako at nasaktan kaya hindi ko s'ya maharap. Hindi ko nakakalimutan ang ginawa n'ya pag papahirap kay Mommy. Sobrang nahirapan si Mommy dahil sa ginawa nila ng babae n'ya. Kaya paano ko haharapin ang taong nanakit sa amin ni Mommy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD