Oo, nasasaktan akong makita s'yang nasasaktan. Oo, may epekto s'ya sa akin. Pero bakit hindi n'ya ko magawang paniwalaan ha? Ano pa ba ang dapat kong sabihin? Ano pa ba dapat kong ipaliwanag sa kan'ya? "Hindi ako galit sa'yo! Ngayon lang kita nakita! Naiitindihan mo ba?!" naiinis na sabi ko dito. Bumukas ang pinto at biglang pumasok si Mommy kasama si Daddy. Napatingin ako sa kanila pero si Mr. Roman ay sa akin pa rin nalatitig. "I-Ivan..." napatitig ako kay Mommy. "Do you know him?" Mom smiled and nod. I glanced my dad, he went to Mr. Roman. "Let's talk outside." aya ni Daddy dito. Agad tumango si Mr. Roman. Nawala ang mga mata n'ya sa akin. Sumama din si Mommy sa pag labas. Ako ang naiwan sa office at huminga ng malalim. Muli akong napahawak sa ulo ko. "Will you marry me?" "I