Nagising ako sa isang kwarto na pamilyar sa akin. Dahan dahan akong umupo at napahawak sa ulo ko. Wala na ang sakit. Napapikit ako at saka huminga ng malalim. Kahit anong iwas ko na wag pilitin na makaalala ay di ko maiwasan. Pag may pumapasok sa isipan ko ay hindi ko maiwasan makapag isip. Hindi ko maiwasan pilitin ang sarili ko na makaalala. Dahan dahan akong bumaba ng kama at saka dumiretso sa pinto. Suot ko pa rin ang suot ko kanina. Lumabas ako sa pinto at saka dumiretso sa kaliwa. Pumunta ako doon at bumaba ng hagdan. Dahan dahan ang pag baba ko hanggang sa makababa ako. "So, wala talaga s'ya naalala?" napahinto ako sandali at tumingin sa pwesto nila Mr. Roman na nakikipag usap sa kan'yang Mommy. "Opo. Sinabi po sa akin ni Tita Sanya na nag karoon ng Traumatic Brain Injury si Sh