“WHAT are you thinking?” Maverick asked as he hugged his wife from behind. Nasa terasa ng kwarto si Evelyn at halatang malalim ang iniisip nito. Nakatulog na si Mikael sa mismong kama ng mag-asawa. Ayaw nitong matulog sa sarili nitong kwarto. Well, ganun na din naman noon. Laging natutulog si Mikael sa kwarto ng ama at nagtatabi ang dalawang matulog. Nasanay doon si Mikael kaya naman sa master’s bedroom ito natutulog. Ayos lang naman kay Maverick noon pero ngayon hindi na. Paano sila makapag-private moments ng asawa niya kapag makulit na bata silang kasama? “I was thinking about the accident that caused me to lose my memories. I know my mother is just trying to save me. You said that my sister wanted to kill me.” Evelyn sighed and took a deep breath. “Forget it. Nakaraan na ‘yon.” Sabi n

