EVELYN was cooking for breakfast when she suddenly had nausea after inhaling the aroma of the food. Agad siyang napatakbo sa labado at sumuka doon ng sumuka. Inabot rin siya ng dalawang minuto sa pagsusuka, wala naman siyang mailabas kundi laway lang. Pagkatapos niyang magsuka, nagmumog siya at sinapo ang tiyan niya. Sumakit ang tiyan niya sa pagsusuka. “Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati.” Actually, mula ng makabalik sila ni Maverick, nagsimula na ito pero hindi naman grabeng pagsusuka ang naranasan niya. Iyon bang pakiramdam niya na ang sensitibo niya sa mga amoy. Gustong-gusto niyang inaamoy ang asawa niya. At napansin niyang kain siya ng kain. She also felt weird about herself. Tinapos ni Evelyn ang pagluluto. She suddenly felt dizzy and wanted to sleep. Napail

