EVELYN smiled at seeing her husband in the garden. Kasama nito ang baby boy nila at kasalukuyang nagpapainit ang dalawa. Sa tuwing walang pasok si Maverick, nasa kanilang dalawa ng anak nito ang atensiyon. At pagkauwi nito ng hapon galing trabaho, hahalikan siya nito sa labi at agad na si Mikael ang bubuhatin nito. Kahit na pagod na pagod ito at hindi pa man nakakapabihis, bubuhatin na nito si Mikael. Minsan nakakatulog na ang dalawa sa rocking chair sa living room. One month na ang anak nila ni Maverick. At tapos na rin nila itong napabinyagan. It was an intimate christening. Tanging mga kaibigan lamang nila at kapamilya ang inimbita nila. Ang ninang ay si Aubrey at ninong naman ang mga kaibigan ni Maverick. Hindi naman kailangang marami ang maging ninang at ninong ng anak nila. Sa mga

