“KAKALABAS mo lang ng hospital. Magpahinga ka na, my darling wife.” Sabi ni Maverick at inilapag ang sariling bag sa may gilid ng kama ni Evelyn. They were at her parent’s house. Dito sila dumeretso pagkalabas ni Evelyn ng hospital. Maverick wanted to call his wife Izel, but she wanted to be called by her real name. After all, Izel was given by her mother to create a new identity for her. Hayaan na lang daw ang ibang tao ang tumawag sa kaniya ng ganun. “Hon, hindi naman ako inaantok.” Maverick looked at his wife. “My darling wife, you have to rest. After that, you have to take your medicine that will help you regain your memory.” Evelyn pouted. “Hon, hindi nga ako inaantok.” “Tatabihan kita.” Agad na ngumiti si Evelyn saka humiga sa kama. “Come here.” Tinapik niya ang espasyo sa kaniy

