“NOAH, malayo pa ba tayo?” tanong ni Evelyn kay Noah na siyang nagda-drive. Nakaupo siya sa backseat. “Ma’am, malapit na.” Evelyn pouted. “I miss my baby.” Aniya saka tumingin sa labas ng bintana ng kotse. Malakas ang ulan at medyo mahamog ang kalsada kaya mabagal magpatakbo si Noah. May pinuntahan siyang party na dapat sana na si Maverick ang pumunta pero may sakit kasi ang asawa niya kaya naman siya ang naging proxy nito. Hindi pa tapos ang party actually eh umalis na siya. Gabi na rin kasi. Miss na niya ang anak at asawa niya kahit nagkahiwalay lamang sila ng ilang oras. Ah, basta ayaw niyang nawawalay sa mga ito mas lalo na sa anak niya. “Ma’am, parang kanina pa po sumusunod sa atin ang kotseng nasa likuran natin.” Sabi ni Noah. Binilisan nito ang pagpapatakbo ng kotse at bumilis a

