ILANG araw ang nakalipas, balik school na ulit kami. Halos hindi nga ako makalakad nang maayos dahil sa ginawa ng tatlo sa akin, kaya ending pinagpapalo ko sila. Nilamog talaga nila ako. Akala ko naman ay gagaling iyon ng dalawang araw pero two days na ang nakakalipas, iika-ika pa rin ako. Kaya naiinis ako sa tatlong iyon! Mabuti na lamang nang sumapit ang pasukan talaga ay nawala kahit papaano. Sa kanila ko talaga binunton ang galit ko. “Um, Francine, may bakeshop din ang dad mo, right?” pagtatanong ko sa kanya. Naalala kong malapit na ang birthday ni Collete. Balak kong bumili ng cake. Hindi rin naman ako marunong mag-bake, e. Tumango siya sa akin. “Yes, sa Megamall mayroʼn branch si dad Bennet! Bakit?” “Um, doon sana ako bibili ng cake for Colleteʼs birthday! Malapit na birthday