NAKAUWI na rin kami sa bahay, sinalubong agad ako ni mommy nang mahigpit na yakap. “Welcome back, baby girl!” saad niya sa akin kaya napangiti ako sa kanya. “Thank you po, mommy! Oh, by the way po pala, may pinabibigay po ang tatlo, handbag po para sa inyo! Same po kayo ni ninang Bella pero magkaiba lang po ang kulay,” sabi ko sa kanya at inabot ang black na handbag, tapos kay ninang Bella naman ay white ang kulay. “Really para sa akin ito? Pasasalamatan ko ang tatlong iyon,” nakangiting sabi ni mommy sa akin kaya tumango ako sa kanya. “Nandito rin po ang ibang pasalubong para rito sa bahay, ang iba po rito ay pasalubong ko po sa mga kaibigan ko at kina Franco. Nakalimutan ko nga po ipadala na sa tatlo po. Then, sa maleta ko po ay ref magnet, shirt, headband and keychains from Disneyla