NANG matapos kaming kumain ay nakita kong tinignan ni Kaito ang kanyang phone. “Baby, we should go, nasa baba na raw sina ninong Conrad and Callon. Hinahanap ka na nila,” saad niya sa akin kaya kinuha na namin ang aming gamit at lumabas sa hotel room na tinutuluyan namin. Naglalakad na kaming dalawa sa hallway ng aming floor habang hila ko ang aking maleta at dalawang maleta naman ang kay Kaito kasama na roon ang black bag kong nasa tuktok ng isang maleta. Pinindot niya ang elevator pababa kaya naghintay na muna kami nang matagal bago kami makasakay. Nakasakay na rin kaming dalawa at kami lamang nandito sa loob, nasa likod ko si Kaito habang ang buong katawan ko naman ay kinakabahan na. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso. Tumunog na ang pinto ng elevator hudyat na nandito na kami sa