Chapter Thirty Four MACKY ILANG linggo din akong tumatambay sa bahay ni Kristine pagkalabas ko sa hospital. Minsan, nagkukumpuni ako ng mga bagay sa bahay niya, nagchecheck ng kanyang mga appliances at iba pa. Wala naman si Myra kapag umaga kaya’t malaya akong gumagawa sa bahay niya. Ngunit may isang araw na hindi ko inaasahang pagbukas ko ng pinto ay nasa tapat nito si Myra na nakatapis lang ng twalya. Nahiya na akong pumasok pero inanyayahan niya pa rin ako dahil sa ilang sandal lang ay aalis na rin sila ng anak niya. Masyado yata akong napaaga o masyado lang siyang late pumasok noong araw na iyon. May nakakita sa pagpasok ko ko na iyon kaya’t naging bulung bulungan sa kabilang kanto an gaming pangalan. Taga kabilang kanto lang kasi si Myra at malamang ay taga kabilang kanto rin a