LAURIANNE Ilang minuto na ang lumipas pagkatapos lumabas ni Kristoffer mula sa silid ni Deina, chinichika ako ni Sam tungkol sa nangyari kagabi sa bahay ni Ace. Gusto ko sanang magpabida sa kanila dahil iyon ang personality ko pero anong ikukwento ko? Eh, wala namang nangyaring juicy kagabi. Iniwan ako kaagad ni Ace sa bahay nila dahil pumunta roon si Kristoffer, inaya niya ito na uminom kina Yuri. Hindi naman ako nakapalag dahil noong malaman ko iyon, nakaalis na sila. Sa text message ko na lang nabasa na mag-isa na pala ako sa bahay niya, malungkot at disappointed. Dinala ko pa naman ang bago kong biling panty. Charot! Hindi haharot at hindi nakaharot kagabi, hahahahaha! "Wag kang gagawa ng kwento, Lau, sinasabi ko sa iyo dahil nakahanda ang palad ko para sumalubong dyan sa pisngi mong