LAURIANNE Mukhang may magaganap na away rito sa loob ng clinic. Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon ang tono ng pananalita ni Aariyah dahil kahiit din naman ako ay nagulat noong makita ko si Deina na umiiyak. Pero wag naman sanang i-judge kaagad ni Aariyah si Yuri baka mayroon siyang magandang paliwanag. Baka rin, naging emosyunal lang si Dayday dahil akala nito matetegi na siya nang tuluyan. Sige, kahit sa isip ko, ipagtatanggol ko si Fafa Yuri kasi sabi nga ng teacher namin sa politics, according to presumption of innocence; every person accused of a crime is presumed to be innocent unless and until his or her guilt is established beyond a reasonable doubt. "Kalma tayo, Aariyah, baka hindi naman sinasaktan ni Yuri si Dayday kaya ito umiiyak," ani ko. "Sinasaktan? Bakit ko naman sa

