SAM "Bakit parang ang tagal naman ng kaibigan niyo? Sundan niyo nga at baka inuna na naman ang paglalandi kesa sundin ang ipinag-uutos ko!" asik ni Xyrille. Sa amin siya nakatingin ni Laurianne, matalim ang mga mata, animo'y malalaglag na ang kaniyang eyeballs sa kakairap. "Okay. Tara na Sam at nag-aalala rin ako kay Dayday," aya ni Lau. Tumango ako tapos kaagad kaming tumakbo palabas ng gymnassium. Mahigit tatlumpong minuto na rin kasi itong hindi nakakabalik. Hindi naman kalayuan ang club room mula sa pinagpa-praktisan namin kaya bakit sobra niya namang tagal. "Aariyah!" malakas na tawag ni Lau dahilan para mapatingin ako sa unahan. Nakatuon kasi ang mga mata ko sa pasilyong dinaraanan, nag-iisip ng rason sa pagtagal ni Dayday. "Saan kayo pupunta?" tanong ni Aariyah noong makalapit k