LAURIANNE Ugh! Ang sakit ng ulo ko! Hindi naman masyadong matapang ang ininom namin kagabi pero parang sinipa ng kabayo ang ulo ko. "Sa'kin ba 'tong kape, Sam? Thank you," wika ko, kaagad na kinuha iyong cup tapos dahan-dahang humigop. "Nakita mo ba kung saan natulog si Deina? Wala siya rito sa loob noong paggising ko," ani Sam. Inilibot ko ang aking mata, wala nga akong nakitang Dayday. "Weh? Baka maaga lang gumising kasi hindi naman siya uminom." "Gaga, kanina pa ako umikot, wala talaga. Tatanungin ko sana sina Chase kaso nahihiya ako. Hinintay kitang magising kasi sabi ko ikaw na lang sana ang magtanong kasi kanina pa ako nag-aalala. Baka mamaya kung ano na ang nangyari ro'n." Ibinaba ko ang hawak kong cup tapos sinabi ko kay Sam na pupuntahan ko muna si Fafa Ace. Hindi naman siya