DEINA "Yays! Panalo sina Kristoffer!" masayang bulalas ni Lau. Mabuti at nakaabot pa sila bao tuluyang matapos ang laro. Maganda ang performance na pinakita ng dalawang team. Hanga ako sa kaibigan ni Alfred dahil kahit na may mga visible injury pa rin silang iniinda ay hindi sila sumuko. Hanggang dulo'y inilaban nila ang pagiging talunan, joke. "Day, oh. Bigay mo kay Fafa Kri--", "Sige, salita pa Laurianne at tatama sa mukha mo itong palad ko. Hindi sampal, sapok ang aabutin mo," pamumutol ko. Hindi na natigil ang gaga sa kakatukso sa akin, para siyang sirang plaka dyan. Humaba lang ang kaniyang nguso at pinili na lang na isara ang bibig sa takot na masampiga na talaga ang kaniyang mukha. "Recess muna tayo. Tamang-tama may mga food stalls ngayon, like chowking, jolibee kesa makipagsiksi

