KRISTOFFER Hindi kami mapakali nila tita at ng kuya ni Deina noong sabihin ng doktor na matutuloy ang operasyon nito. Walang mapagsidlan ang kaba sa aking dibdib habang iniisip kung ano na ang nangyayari sa loob. "Samahan mo akong pumunta sa simbahan. Manalangin tayo na maging matagumpay ang operasyon ng kapatid mo," aya nito sa panganay niyang anak. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Hinihintay ko kung aayain ako ni tita. "Paano iyang jowa ni Deina? Dito lang 'yan?" sabi ni Kuya. Makikikuya na rin ako kahit hindi niya naman sinasabi na ganoon ko siya i-address. "Dito na lang siya para may magbantay sa kapatid mo," ani Tita. Tumango ako noong balingan niya ako ng tingin. "Tsss... hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala na pinayagan mong magboyfriend si Deina pero iyong sa ami

