DEINA "So, guys. ang napunta sa'ting story is about Helen and Paris. Ito, ah, sasabihin ko kaagad sa inyo, hindi ako magaling umarte so, ako na lang ang gagawa ng script, okay ba iyon sa inyo?" tanong ni Aariyah. Sa inyo pero sa akin lang nakatingin. Anong gusto niyang palabasin? Ako ang sasalo ng karakter ni Helen dahil ako na lang ang natirang babae sa grupo? The heck... Pwede rin bang mag-excuse dahil hindi rin ako magaling umarte?! "Okay lang sa amin, iyon, Aariyah. Bale, paano 'yong karakter ni Paris? Sino ang gaganap no'n?" tanong ni Ace. Umikot ang mata ko, nagpakawala ng mabigat na hangin sa ilong. "Ako na lang." Lahat ay napatingin kay Yuri. "Syempre kung okay lang din sa inyo at sa iyo, Deina," wika nito. Muntik na akong umubo noong tumingin siya sa aking gawi. Anong kabab