AARIYAH "Ayan na!! Whooooo!! Go, Fafa Ace, Fafa Yuri at Fafa Chase! At sa iba pang fafa ng basketball team ng SEA!" Sa wakas nakakuha na rin ng magandang timing itong si Laurianne. Kanina pa kasi nasasayang ang kaniyang effort dahil nasasapawan siya ng mga babaeng nagche-cheer din sa kanilang mga manok. Noong tumahimik iyong crowd, kaagad na grinab ni Laurianne ang pagkakataon. Sabay-sabay naming tinakpan ang aming mukha noong nagtinginan sa amin iyong mga tao. "Hindi namin kilala, 'yan. Nakikitabi lang 'yan sa amin," sabi ni Sam. Nagtawanan kami. Pero kaagad din kaming umayos dahil magsisimula na ang laban. "Grabe kayo sa akin, napakasasama ng ugali niyon. Hindi na kayo nahiya, kasama pa naman natin si fafa Kristoffer," ani Laurianne. "Iyon na nga, eh. HINDI ka na nahiya," muling ba

