BAGO ang sakuna ACE "Magkano naman ang benta mo niyan kay Eirine? At saka akala ko ba siling labuyo lang ang ipinapakain niya sa mga mapaparusahan? Bakit siya bumibili sa 'yo ng California reaper?" curious kong tanong kay Dave dahil naikwento niya sa akin ngayon kung bakit may mga sili sa bag niya. "Ewan ko rin. Na-open up ko lang naman kay Mirabel iyong tungkol sa tanim namin na California reaper dahil gagawin namin iyong business... tapos ayon, bigla na lang akong kinontak ni Eirine. Pinadadala niya ako ng benteng piraso nito." "Oh? Bente lang pala bakit 25 'yan noong binilang ko?" "Napasobrahan. Late na akong nagising kanina, di na ako nagbilang. Na-excite ako dahil ang laki ng benta ko rito, pinuslit ko lang pati 'to sa bahay, hahahahaha!" "Weh? Magkano benta mo?" sabik na tanong

