Sa ilalim ng tirik na araw, malalakas na halakhakan ang sumisingaw. Tila nagsandibdib sa anghel at ang kampon ng dilim sa isang mahalaga at bihirang pagtitipon. Puti man o itim, pareho silang nagsasaya, nakikisama, nagtatawanan, naglalaro sa malawak na paliguan. "Dito, Dayday! Pasa!" maligalig na tili ni Laurianne, ikinakampay ang kamay sa ere habang hinihintay na ibato sa kanya ni Deina ang malaking bola. Basketball sa tubig ang natipuhan nilang laro. Dalawang babae ang nasa kupunan ni Yuri, habang sina Ace, Chase, at Kristoffer ang magkakasama bilang grupo. Kahit na walang karanasan sa paglalaro sina Deina at Laurianne, hindi pa rin sila naging talunan dahil sa tulong ni Yuri. DEINA "Dayday!" Patuloy akong tinatawag ni Lau, ngunit 'yong mata niya nandidilat. Hindi ko tuloy mapakawa